Posts

Jesus' Healing Love

Image
  Ord. Wk 5th: Sunday, 7th February, 2021 Gospel: Mark 1:29-39 On leaving the synagogue Jesus entered the house of Simon and Andrew with James and John. Simon’s mother-in-law lay sick with a fever. They immediately told him about her. He approached, grasped her hand, and helped her up. Then the fever left her and she waited on them. When it was evening, after sunset, they brought to him all who were ill or possessed by demons. The whole town was gathered at the door. He cured many who were sick with various diseases, and he drove out many demons, not permitting them to speak because they knew him. Rising very early before dawn, he left and went off to a deserted place, where he prayed. Simon and those who were with him pursued him and on finding him said, “Everyone is looking for you.” He told them, “Let us go on to the nearby villages that I may preach there also. For this purpose have I come.” So he went into their synagogues, preaching and driving out demons throughout the whole of
Image
 Enero 15, 2021 Biyernes ng  Unang Linggo ng Karaniwang Panahon Pagninilay sa Ebanghelyo- Marcos 2: 1-12 Ang pagbasa sa Ebanghelyong ito ay nagsimula sa pagbabalik ni Jesus sa Capernaum pagkatapos na siya mawala ng ilang araw. Mabilis na kumalat ang balita na si Jesus ay bumalik na at maraming tao ang nagsimulang magtipon upang marinig nila si Jesus na nangangaral; sabik silang makinig sa Kanyang mga salita. Gayunpaman, walang simpleng lugar para sa lahat ng mga tao! Habang nangangaral si Jesus, may mga taong dumating dala ang isang paralisadong lalaki na buhat-buhat ng apat. Subalit napapalibutan si Jesus ng napakaraming tao at hindi sila makagawa ng landas sa karamihan ng tao upang makalapit kay Jesus. Pagkalipas ng ilang oras, nagpasya ang mga tagadala na alisin ang tisa ng terasang nasa ibabaw ng kinaroroonan ni Jesus at ng mabuksan ay maingat nilang ibinaba ang paralisadong lalaki na nasa higaan. Nang makita ni Jesus ang labis na pananampalataya ng mga taong ito, sinabi niya sa pa

Pagmamahal ng Diyos, walang patid, walang lagot, suson-suson, dugtong-dugtong at tuloy-tuloy.

Pagninilay sa Ebanghelyo: Mt.1:1-17 Huwebes, Disyembre 17, 2009 Napakaraming pangalan, ilang sali’t salin lahi ang ating napakinggan sa Mabuting Balita, pero ano nga kaya ang kahulugan ng bahaging ito ng Banal na Kasulatan. Walang hayagang pagtuturo ang ating Panginoon pero ang hinahanap natin ay ang aral at hamon na maaaring matutunan at isabuhay ng bawat isa dala ng Mabuting Balitang ito—Ang ating Panginoon at ang kanyang angkan. Sapin-sapin at salin-salin ang mga angkan na pinagmulan ni Jesus. Nguni’t bagama’t sapin-sapin at salin-salin, hindi ito bitin sa kadahilanang ang mga pangakong binanggit sa Lumang Tipan ay pawang nagkatotoo sa pagsilang ng Mananakop na sinasaad sa Bagong Tipan. Kapag nagmahal ang Diyos, ito ay walang patid, walang lagot … susun-suson, dugtong-dugtong, tuluy-tuloy – tulad ng mga salinlahing inilista ni Mateo kahapon. Tatlong patong na tig lalabing-apat na salinlahi ang pinagtiyagaang ilista ni Mateo, matunton lamang natin na ang angkan ni

Lahat Kayong Mga Banal sa Kalangitan, Ipanalangin Nyo Kami

Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Ebanghelyo: Mateo 5:1-12a Mapapalad! Iniaalok ni Jesus sa lahat ang regalo ng tunay na kaligayahan. Ipinagkakamali ng mga tao ang “kaligayahan” sa “kasiyahan” o ang “pagiging maligaya” sa “pagkadama ng sarap at kasiyahan.” Tunay na espirituwal ang kaligayahan, sapagkat kaganapan mismo ito ng tao. Ngunit kasiyahan ang hinahanap ng marami at hindi kaligayahan kaya naman napakalaki ang kinalaman ng Mapapalad sa buhay ng tao. Tampok sa misyon ni Jesus ang kanyang pagmamalasakit at pagkalinga sa mga mahihirap. Kinalulugdan Niya ang mga taong may mgandang kalooban sa mga maliliit at itinatakwil ng lipunan. Ang gantimpalang kaligtasan at kapayapaan para sa ating lahat ay nakaugat sa ating kakayahang magmahal at maglingkod sa kapwa. Ang ipinapahayag ng ebanghelyo na ang pananampalataya sa Diyos ay isang buhay at laging kumikilos para sa ikabubuti ng kapwa. Tayong lahat ay huhusgahan ayon sa kabutihang nagawa natin para sa maliliit at para sa ikauunlad ng

Bakit nga ba tayo nagsisimba?

Image
Sa ating lingguhang pagninilay sa mga Salita ng Diyos lalung-lalo na ang Banal na Ebanghelyo ay ating mapapansin na mga pagkain ng tinapay ang ating binabanghay simula pa noong Hulyo 26 ang ika-17 linggo sa karaniwang panahon sa ating liturhiya. Maging hanggang ngayon Agosto 16 ika-20 na linggo sa karaniwang panahon ay nasa pagkain pa rin tayo. Matatapos ito sa Agosto 23 sa ika-21 sa karaniwang panahon. Kaya’t dito natin matatarok na ang buong ika-anim na kabanata ng ebanghelyo ayon kay Juan 6:1-69 ay tungkol sa ating pagkain ng tinapay na sebada, tinapay ng buhay, tinapay mula sa langit, tinapay na buhay at Espiritung nagbibigay buhay. Noong ako ay tinedyer pa, nagsisimba ako dahil sa mga sumusunod na dahilan; Una, ang pagsisimba ay isang obligasyon lalo na sa araw ng Linggo at natatakot ako na magkasala ng mortal laban sa Diyos at tuloy ay mapunta sa impyerno kung hindi ako makapagsisimba. Ikalawa, ang pagsisimba ay isang tradisyon o nakasanayan nang gawain bilang Katoliko.

"Parang mga tupang walang pastol......"

Mk. 6:30-34 (Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon) Noong nakaraang buwan ng Mayo, taong kasalukuyan, nagkaroon ng “outing” kaming mga empleyado ng pamahalaang bayan ng Aliaga sa pangunguna ng aming Mayor sa isang beach sa Morong, Bataan. Kasama rin namin doon ang Provincial Director ng Civil Service Commission. Hindi lamang isang “outing” ang naging sadya namin doon kundi sa gabi ay magkakaroon din kami ng Capacity Team Building Seminar na ang magsasagawa ay ang director ng CSC. Sa aming seminar may isang bahagi ito na kung saan hinati ang lahat sa limang grupo para magsasagawa ng isang “workshop”. Ang bawat grupo ay binigyan ng magkakasindaming bilang ng “straw”. At ang mga “straw” na ito ay gagamitin ng bawat grupo para bumuo ng isang “tower” o tore na yari sa “straw”. At kailangang mayari ito sa loob ng sampung minuto. Nang ibigay ang hudyat para magsimula, nagkagulo na ang lahat. Marami ay nataranta. Ang iba ay hindi malaman ang gagawin. Merong nagtatalo-talo kung paano magsis

Sinugong dala-dalawa

Mk 6:7-13 Minsan may isang sundalong kababalik lang mula sa kanyang "tour of duty" sa giyera sa Iraq ang tinanong ng ganito, "Ano ang pinakaimportanteng bagay na natutunan mo sa giyera?" Mabilis itong sumagot, "Alam niyo natutunan kong mas mabuti ang maging kabilang sa isang team kaysa nag-iisa." Ipinaliwanag niya na habang nasa Iraq, naglalakad sila para suriin ang paligid ng sakop nilang lugar. May partikular na pormasyon sila kung saan nakapokus siya sa harapan niya samantalang ang kasangga niya ay binabantayan ang likuran niya. Siya naman, binabantayan din niya yung likuran ng nasa harap niya. Paliwanag ng kumander niya, ang taong mahilig mag-isa ay walang puwang sa giyera. Kailangang makipagtulungan siya sa mga kasamahan niya sa grupo para manatili silang buhay. Nais kong pagnilayan natin ang punto sa Ebanghelyo kung saan sinugo ni Jesus ang labindalawang alagad ng dala-dalawa. Bakit dala-dalawa? Sapagkat nais ni Jesus na may teamwork sa pagtupad sa