Posts

Showing posts from 2009

Pagmamahal ng Diyos, walang patid, walang lagot, suson-suson, dugtong-dugtong at tuloy-tuloy.

Pagninilay sa Ebanghelyo: Mt.1:1-17 Huwebes, Disyembre 17, 2009 Napakaraming pangalan, ilang sali’t salin lahi ang ating napakinggan sa Mabuting Balita, pero ano nga kaya ang kahulugan ng bahaging ito ng Banal na Kasulatan. Walang hayagang pagtuturo ang ating Panginoon pero ang hinahanap natin ay ang aral at hamon na maaaring matutunan at isabuhay ng bawat isa dala ng Mabuting Balitang ito—Ang ating Panginoon at ang kanyang angkan. Sapin-sapin at salin-salin ang mga angkan na pinagmulan ni Jesus. Nguni’t bagama’t sapin-sapin at salin-salin, hindi ito bitin sa kadahilanang ang mga pangakong binanggit sa Lumang Tipan ay pawang nagkatotoo sa pagsilang ng Mananakop na sinasaad sa Bagong Tipan. Kapag nagmahal ang Diyos, ito ay walang patid, walang lagot … susun-suson, dugtong-dugtong, tuluy-tuloy – tulad ng mga salinlahing inilista ni Mateo kahapon. Tatlong patong na tig lalabing-apat na salinlahi ang pinagtiyagaang ilista ni Mateo, matunton lamang natin na ang angkan ni

Lahat Kayong Mga Banal sa Kalangitan, Ipanalangin Nyo Kami

Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Ebanghelyo: Mateo 5:1-12a Mapapalad! Iniaalok ni Jesus sa lahat ang regalo ng tunay na kaligayahan. Ipinagkakamali ng mga tao ang “kaligayahan” sa “kasiyahan” o ang “pagiging maligaya” sa “pagkadama ng sarap at kasiyahan.” Tunay na espirituwal ang kaligayahan, sapagkat kaganapan mismo ito ng tao. Ngunit kasiyahan ang hinahanap ng marami at hindi kaligayahan kaya naman napakalaki ang kinalaman ng Mapapalad sa buhay ng tao. Tampok sa misyon ni Jesus ang kanyang pagmamalasakit at pagkalinga sa mga mahihirap. Kinalulugdan Niya ang mga taong may mgandang kalooban sa mga maliliit at itinatakwil ng lipunan. Ang gantimpalang kaligtasan at kapayapaan para sa ating lahat ay nakaugat sa ating kakayahang magmahal at maglingkod sa kapwa. Ang ipinapahayag ng ebanghelyo na ang pananampalataya sa Diyos ay isang buhay at laging kumikilos para sa ikabubuti ng kapwa. Tayong lahat ay huhusgahan ayon sa kabutihang nagawa natin para sa maliliit at para sa ikauunlad ng

Bakit nga ba tayo nagsisimba?

Image
Sa ating lingguhang pagninilay sa mga Salita ng Diyos lalung-lalo na ang Banal na Ebanghelyo ay ating mapapansin na mga pagkain ng tinapay ang ating binabanghay simula pa noong Hulyo 26 ang ika-17 linggo sa karaniwang panahon sa ating liturhiya. Maging hanggang ngayon Agosto 16 ika-20 na linggo sa karaniwang panahon ay nasa pagkain pa rin tayo. Matatapos ito sa Agosto 23 sa ika-21 sa karaniwang panahon. Kaya’t dito natin matatarok na ang buong ika-anim na kabanata ng ebanghelyo ayon kay Juan 6:1-69 ay tungkol sa ating pagkain ng tinapay na sebada, tinapay ng buhay, tinapay mula sa langit, tinapay na buhay at Espiritung nagbibigay buhay. Noong ako ay tinedyer pa, nagsisimba ako dahil sa mga sumusunod na dahilan; Una, ang pagsisimba ay isang obligasyon lalo na sa araw ng Linggo at natatakot ako na magkasala ng mortal laban sa Diyos at tuloy ay mapunta sa impyerno kung hindi ako makapagsisimba. Ikalawa, ang pagsisimba ay isang tradisyon o nakasanayan nang gawain bilang Katoliko.

"Parang mga tupang walang pastol......"

Mk. 6:30-34 (Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon) Noong nakaraang buwan ng Mayo, taong kasalukuyan, nagkaroon ng “outing” kaming mga empleyado ng pamahalaang bayan ng Aliaga sa pangunguna ng aming Mayor sa isang beach sa Morong, Bataan. Kasama rin namin doon ang Provincial Director ng Civil Service Commission. Hindi lamang isang “outing” ang naging sadya namin doon kundi sa gabi ay magkakaroon din kami ng Capacity Team Building Seminar na ang magsasagawa ay ang director ng CSC. Sa aming seminar may isang bahagi ito na kung saan hinati ang lahat sa limang grupo para magsasagawa ng isang “workshop”. Ang bawat grupo ay binigyan ng magkakasindaming bilang ng “straw”. At ang mga “straw” na ito ay gagamitin ng bawat grupo para bumuo ng isang “tower” o tore na yari sa “straw”. At kailangang mayari ito sa loob ng sampung minuto. Nang ibigay ang hudyat para magsimula, nagkagulo na ang lahat. Marami ay nataranta. Ang iba ay hindi malaman ang gagawin. Merong nagtatalo-talo kung paano magsis

Sinugong dala-dalawa

Mk 6:7-13 Minsan may isang sundalong kababalik lang mula sa kanyang "tour of duty" sa giyera sa Iraq ang tinanong ng ganito, "Ano ang pinakaimportanteng bagay na natutunan mo sa giyera?" Mabilis itong sumagot, "Alam niyo natutunan kong mas mabuti ang maging kabilang sa isang team kaysa nag-iisa." Ipinaliwanag niya na habang nasa Iraq, naglalakad sila para suriin ang paligid ng sakop nilang lugar. May partikular na pormasyon sila kung saan nakapokus siya sa harapan niya samantalang ang kasangga niya ay binabantayan ang likuran niya. Siya naman, binabantayan din niya yung likuran ng nasa harap niya. Paliwanag ng kumander niya, ang taong mahilig mag-isa ay walang puwang sa giyera. Kailangang makipagtulungan siya sa mga kasamahan niya sa grupo para manatili silang buhay. Nais kong pagnilayan natin ang punto sa Ebanghelyo kung saan sinugo ni Jesus ang labindalawang alagad ng dala-dalawa. Bakit dala-dalawa? Sapagkat nais ni Jesus na may teamwork sa pagtupad sa

Guiding Your Children's Internet Use

Condensed from 1998 Focus on Family By Rose Rancap, FAMILIA-Marcelo, South 1 While the internet as an unregulated medium offers unprecedented opportunities to enlarge the scope of information available to all users, it provides children equal access to materials that may pose danger to them. The regulation of child's use of internet is the responsibility of the parents. Providing a safe and rewarding experience for children requires equal commitment to protection from potential online problems and socialization towards appropriate and productive internet use. PROTECTION: Guiding children and teens in internet use is similar to guiding them in the use of other things that share elements of benefit and danger. Parents can provide explicit instructions, guidance and boundaries to their children about what they consider inappropriate activities. Build good boundaries: Internet access should be on computers in open family areas where use can be monitored. This also reduces temptation

Our Kid's Say About

The Family is. . . . . . ......the best treasure anyone can have in the word! It is the haven where true unconditional love, care and affection, and happiness is found and bred. Some people may hurt you, but your family will continually love you, Some people will sugar-coat what they say, but your family will always be honest and sincere with you. Some people will reject you in one way or another, but your family is still there for they have accepted you for who or what you are-and will still accept you for who and what you may become. The family is every child's first school not only for learning the ABCs of DO-RE-MIs, not only for knowing and writing your name and family member's name, or where you live or how old you are. The family is also where we first learn how to truly love ourselves and love others because it is where we first learn about God's greatest family- the HOLY FAMILY - and the unconditional love for His FAMILY. Mom and Dad (and our relatives) did a great
Welcome to the Blog of Bro. Glenn http://pamilyaatbuhay.blogspot.com Greetings! This blog is open and inviting you to share articles, stories and experiences in your family and how you live your life as a good Christians. You may send it in my e-mail address, nglenndelacruz@gmail.com I hope that through your shared experiences, people will nourished and enriched in their faith THANK YOU AND GOD BLESS US ALL!

Mga Hangarin sa Ating Sariling Pamilya

Ang talaang nasa ibaba ay nagsasaad ng mga layunin na maaari mong pamilian upang isagawa at isabuhay upang magkaroon ng pagmamahalan ang buong pamilya. Bilang pasimula, pumili ng ilan upang isagawa sa tuwina at pagpasyahan, at kung naisagawa na ang mga naunang plano ay magdagdag ng ilan pa hanggang ang lahat ng mga layuning nasasaad ay maisabuhay. Magkaroon ng bukas na isipan at hayaan ang mga turo at pangaral ng mga banal na salita ng Panginoon ang humubog at gumabay sa pagsasama. Ang buong pamilya ay dadalo sa banal na misa tuwing araw ng Linggo at mag-ukol ng panalangin araw-araw. Mamuhay ng may pag-ibig at pagpapahalaga sa bawat isa. Ipadama ang pag-ibig at kahalagahan ng bawat isa lalung-lalo na sa harap ng hapag kainan. Maging tapat sa isa't-isa, hindi kailanman papayagang magkaroon ng puwang ang kasinungalingan at panlilinlang. Sama-samang itaguyod ang kabutihan ng bawat miyembro ng pamilya, at isaalang-alang ang kapakanan ng bawat isa at hindi ng sarili lamang. Tutulong ng
Tell Her So Amid the cares of married life , In inspite of toil and business strife, If you value your sweet wife, Tell her so! There was a time when you thought it bliss To get a favor of one kiss; A dozen now won't come amiss- Tell her so! Don't act as if she'd passed her prime, As though to please her was a crime- If ever you loved her, now's the time; Tell her so! You are hers, and hers alone- Well you know she's all your own; Don't wait to "carve it on the stone"- Tell her so! Never let her heart grow cold, Richer beauties will unfold; She is worth her weight in gold! Tell her so!