Mga Hangarin sa Ating Sariling Pamilya

Ang talaang nasa ibaba ay nagsasaad ng mga layunin na maaari mong pamilian upang isagawa at isabuhay upang magkaroon ng pagmamahalan ang buong pamilya.

Bilang pasimula, pumili ng ilan upang isagawa sa tuwina at pagpasyahan, at kung naisagawa na ang mga naunang plano ay magdagdag ng ilan pa hanggang ang lahat ng mga layuning nasasaad ay maisabuhay.
  1. Magkaroon ng bukas na isipan at hayaan ang mga turo at pangaral ng mga banal na salita ng Panginoon ang humubog at gumabay sa pagsasama.
  2. Ang buong pamilya ay dadalo sa banal na misa tuwing araw ng Linggo at mag-ukol ng panalangin araw-araw.
  3. Mamuhay ng may pag-ibig at pagpapahalaga sa bawat isa.
  4. Ipadama ang pag-ibig at kahalagahan ng bawat isa lalung-lalo na sa harap ng hapag kainan.
  5. Maging tapat sa isa't-isa, hindi kailanman papayagang magkaroon ng puwang ang kasinungalingan at panlilinlang.
  6. Sama-samang itaguyod ang kabutihan ng bawat miyembro ng pamilya, at isaalang-alang ang kapakanan ng bawat isa at hindi ng sarili lamang.
  7. Tutulong ng walang pagtutol sa bawat gawain sa tahanan.
  8. Maging mapagpatawad sa pagkukulang ng bawat isa at hindi hahayaan ang mga nakalipas na pagkakamali na maghari at magdulot ng sakit sa damdamin at makasira sa pagsasama ng pamilya.
  9. Hindi kailanman papayagan ang maling pag-uugali tulad ng pagbibintang, pagkutya at pag-aalinlangan na sumira sa pagsasama ng pamilya.
  10. Hindi papayagan ang galit, poot, at negatibong simbuyo ng damdamin na maghari saloob ng tahanan upang mapanatili ang maligaya at panatag na pagsasama ng pamilya.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba tayo nagsisimba?

Sinugong dala-dalawa